-- Advertisements --

Inilagay ng Commission on Elections (Comelec) ang lungsod ng Marawi at 6 na munisipalidad sa Maguindanao at isang munisipalidad sa Lanao del Sur sa ilalim ng kontrol ng Comelec

Sa isang pahayag, sinabi ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan na inilagay ng Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns (CBFSC) ang mga bayan ng Buluan, Datu Odin Sinsuat, Datu Piang, Mangudadatu, Pandag at Sultan Kudarat sa llawigan ng Maguindanao sa ilalim ng kontrol ng Comelec bunsod ng pinagsamang rekomendasyon ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines at Regional Election Director Ray Sumalipao.

Idineklara din sa ilalim ng Comelec control ang bayan ng Maguing na sa Lanao del Sur kasama ng Tubaran at Malabang.

Batay sa Comelec Resolution No. 10757, ang isang lugar ay maaaring ilagay sa ilalim ng kontrol ng Comelec kung ito ay may kasaysayan o may kasalukuyang matinding tunggalian ng mga magkalabang partido na maaaring mag-udyok sa mga tao na gumawa ng mga marahas na gawain.

Gayundin kung nakapagtala ng insidente ng karahasan na may kinalaman sa pulitika na kinasasangkutan ng mga kandidato at iba pang mga tagasuporta.

Kung may posibilidad ng karahasan sa pamamagitan ng pag-hire ng Private Armed Groups (PAGs)

May serious armed threat dahil sa Communist Terrorist Groups (CTGs), at iba pang mga banta ng mga grupo kabilang ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFFs), ang Abu Sayyaf Group (ASG), ang Maute Group, at iba pang katulad na mga grupo na maaaring ideklara ng malawakang bants ng terorismo, pandaraya o iba pang iregularidad sa halalan at nagbabanta sa pagdaraos ng malaya, mapayapa, tapat, maayos, at kapani-paniwalang halalan.