-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Isang bangkay ng isang senior citizen na hinihinalang nalunod ang natagpuan sa sapa malapit sa Purok 7, brgy. Estrella, San Mateo, Isabela.

Ang biktima ay nakilala sa pangalang Andres Rivera, 77 anyos,may asawa, isang mangingisda at residente ng Purok 5, Brgy. Estrella, San Mateo, Isabela.

Sa imbestigasyon ng San Mateo Police Station nitong Biyernes ng umaga ay isang nagngangalang Felbert Creila, 29 anyos, residente ng Purok 3, Brgy. Estrella, San Mateo Isabela ay patungo sana sa sapa na malapit sa Purok 7, Brgy. Estrella nang makita nito ang palutang lutang na katawan ng biktima na dahilan para tumawag ito sa kanilang kapitan para magpatulong at nagreport na rin sa tanggapan ng San Mateo police.

Narekober ang bangkay ng biktima na si Andres Rivera ng mga rumespondeng kasapi ng San Mateo Police Station.

Limabas pa sa imbestigasyon ng pulisya na libangan ng lolo ang mangisda sa ilog subalit napunta sa malalim na bahagi ng tubig sanhi para malunod

-- Advertisement --

Agad na dinala sa isang Funeral Homes sa Brgy. 2, San Mateo Isabela ang bangkay ng biktima.