russell and simmons
D’Angelo Russell and Ben Simmons/ Photo courtesy of NBA

Nagawang maitabla ng Philadelphia 76ers ang serye sa 1-1 kontra sa Brooklyn Nets sa nagpapatuloy na first round ng NBA playoffs.

Bumawi kasi ang 76ers at itinumba ang Nets sa Game 2 ng kanilang Eastern Conference playoff series, 145-123.

Pinamunuan ni Ben Simmons ang Philadelphia makaraang magsalpak ito ng triple-double na 18 points, 12 assists at 10 rebounds.

Binuksan ng Sixers ang second half sa pamamagitan ng kanilang 14-0 run na naging mitsa upang mapalawig pa nila ang kanilang abanse sa 20.

Dahil dito, bumagsak ang Nets makaraang ibaon ng Sixers na nagrehistro ng 51 points sa 18 of 25 shooting nila sa third quarter.

Nakakuha rin ang Philadelphia ng suporta kina big man Joel embiid na pumoste ng 23 points at 10 rebounds, at Boban Marjanovic na umiskor ng 16.

Nakahugot naman ng 19 points ang Nets kay Spencer Dinwiddie na siyang nanguna sa team.

Sunod namang dadalhin ang serye sa baluwarte ng Knicks na Barclays Center para sa Game 3 sa Biyernes at Game 4 sa Linggo.