-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Wala ng buhay nang matagpuan ang isang 74-anyos na lolo makaraang mahulog sa tulay at inanod nga tubig-baha sa bayan ng Tulunan, North Cotabato.
Kinilala ni Engr. Arnulfo Villaruz, Chief of Operations ng PDRRMO North Cotabato ang nasawi na si Pedie Penion na residente ng Purok 7, Brgy. La Esperanza, Tulunan, North Cotabato.
Ayon kay Villaruz, kukunin sana ng biktima ang kanyang kalabaw ngunit ng dumaan sa tulay ay nadulas ito at nahulog sa ilog na mataas ang tubig-baha dahil na rin sa malakas na buhos ng ulan at hindi na nakita pa.
Ilang araw din na hinanap ng search and rescue operations ang biktima hanggang natagpuan ang bangkay nito sa ilog malapit sa Liguasan Marsh.