-- Advertisements --
Patay ang mahigit 100 katao matapos ang dalawang pagsabog sa Kerman City, Iran
Nangyari ang insidente malapit sa lugar kung saan nakalibing ang napatay na military commander na si Qasem Soleimani.
Ang unang pagsabog ay naganap sa may layong 700 metro mula sa libingan ni Soleimani.
Habang ang pangalawang pagsabog ay naganap ng halos isang kilometro ang layo habang bumibisita ang mga pilgrims sa lugar.
Ayon sa mga otoridad na hindi pa malinaw sa kanila kung ang insidente ay mula sa gas explosion o terror attack.
Si Soleimani ay namuno sa Revolutionary Guards Quds Force na isang elite unit na humahawak sa mga overseas operations ng Iran.
Ang pangyayari ay isinabay sa ika-apat na taong anibersaryo ng mapatay si Soleimani.
















