-- Advertisements --

Muling lumobo ang bilang ng mga nag-positibo sa COVID-19 sa bansa.

Sa kakalabas lang na case bulletin ng Department of Health nitong hapon, 414 ang bagong nag-test positive, kaya ang total na bilang ngayon ay nasa 3,660 na.

Ang bilang ng mga namatay dahil sa naturang virus ay dumami muli. 11 ang reported deaths ngayong araw, kaya 163 na ang total deaths.

May 9 naman ang nadagdag sa recoveries kaya naman 73 naman ang total sa ngayon ng mga gumaling.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire patuloy pa rin ang ginagawang assessment ng kanyang kapwa health officials sa sitwasyon ng COVID-19 bago maglabas ng rekomendasyon ng susunod na hakbang sa Palasyo.