-- Advertisements --

Nasa 8.4 milyon na mga indibidwal ang naapektuhan ng habagat at mga bagyong Luis, Maymay at Neneng.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na katumbas ito ng 2.4 na pamilya sa mula sa Zamboanga Peninsula, Central Luzon, National Capital Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, , Calabarzon, Mimaropa, Cordillera Administrative Region at Bicol Region.

Aabot naman sa 122,500 na katao ang naninirahan na ngayon sa evacuation centers.

Nagtala rin ang NDRRMC ng 32 katao ang nasawi dahil sa sama ng panahon at karamihan sa mga dito ay mula sa Benguet dahil sa landslides.

Tinataya rin na mayroong P6.16 bilyon ang damyos sa inprastraktura at agrikultura.

Mayroong din P1.7-B na halaga ng tulong ang naibigay ng gobyerno sa mga naapektuhang pamilya.

Ilang mga lugar na rin ang nagdeklara ng state of calamity na ito ay kinabibilangan ng Benguet, Bataan, Bulacan, Pampanga,Zambales, Rizal, Cavite, Batangas at Occidental Mindoro.