Nakapagtala ang bansa ng karagdagang 70 kaso ng mas nakakahawang Omicron subvariants sa bansa ayon sa Department of Health (DOH).
Sa ulat ng DOH, nasa kabuuang 43 na ang kaso ng Omicron subvaraiant BA.5 sa bansa, 20 kaso naman ng BA.2.12.1 at apat na kaso ng BA.4.
Ayon sa kagawaran, local cases ang 65 naiatalang bagong kaso ng Omicron subvariants.
Mula sa 211 samples na isinailalim sa genome sequencing ng Philippine Genome Center mula June 29 hanggang July 4, nasa kabuuang 190 cases ang nasuring positibo sa Omicron variant of concern.
Sa ngayon, nakakaranas ang bansa ng panibagong pagtaas ng kaso ng COVID-19 bunsod na rin ng naitatalang more transmissible variants na may immune escape characteristics.
Isa pa sa dahilan ng pagtaas ng kaso dahil sa paghina ng immunity ng publiko at pagtaas ng mobility ng mga tao.