-- Advertisements --

Umani ng papuri online si Letecia Sobebe, isang 70-anyos na lola mula Miami, matapos matagumpay na akyatin ang Mt. Apo — ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas at gawin ito nang may kakaibang flair.

Sa halip na tradisyonal na photo-op, nagpalit si Lola Letecia ng pink na Filipiniana dress at pearl necklace sa tuktok ng bundok, at proud na nag-pose sa gitna ng tanawin.

Ang Mt. Apo, na may difficulty level na 7 sa 10, ay inaakyatan sa loob ng tatlong araw, kaya’t labis na ikinamangha ng marami ang lakas at dedikasyon ng senior hiker.

Nag-viral ang kanyang kwento, na nagsilbing inspirasyon sa netizens kung saan patunay na hindi hadlang ang edad sa pagsasakatuparan ng pangarap.