-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Sinibak na ni Police Regional Office 10 Director B/Gen Rolandon Anduyan ang isang opisyal at anim na kasamahang pulis nasa likod ng viral video na makikita ang umano’y ‘tanim-baril’ scheme sa Purok 4,Barangay Batangan, Valencia City, Bukidnon noong Pebrero 20,2021.

Ito ay matapos pinalaliman pa ni Anduyan ang imbestigayon sa PNP’s Internal Affairs Service ang pangyayari kung saan makikita si late Cpl Benzon Gonzales ng Valencia City Police Station na kumuha ng 38 na kalibre na baril at ipinapaputok ng tatlong beses bago iniligay sa gilid ng bangkay ng suspected drug pusher na si Pol Estañol na napaslang dahil nanlaba umano sa mga otoridad.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Anduyan na dinis-armahan na ang nasabing mga pulis habang naka-report sa Regional Police Holding and Accounting Office (RPHAO) na nakabase sa Camp Alagar ng Cagayan de Oro City.

Sinabi ng heneral ang nabanggit na hakbang ay alinsunod sa unang kautusan ni PNP Chief General Debold Sinas na hindi palalagpasin ang pangyayari na maaring makabawas tiwala ng publiko sa kanilang hanay.

Bagamat hindi na muna pinangalanan ang nabanggit na opisyal at anim na pulis na sinibak ng kanilang mga tungkulin.

-- Advertisement --

Magugunitang unang inamin ng Valencia City Police Station na tauhan nila ang nagpapaputok at nagawa lamang umano ito ni Gonzales dahil sa sobrang inis sa operasyon.,

Subalit hindi ito umubra kaya pinasibak ang operating units habang pumasok ang IAS para magsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa aspetong administribo.