-- Advertisements --
ILOILO CITY – Patuloy pang pinaghahanap ng mga otoridad ang dalawang crew ng lumubog na fishing boat sa baybayin ng Sicogon island, Carles, Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Philippine Coast Guard (PCG)-Iloilo Station Commander Edison Diaz, sinabi nitong sakay ng fishing boat na St. Peter the Fisherman II ang siyam na crew nang lumubog ito sa baybayin sa nasabing isla.
Kaagad namang nagsagawa ng search and rescue operation at narekober ang pitong mga bangkay.
Kabilang sa mga bangkay na narekober ay ang kanilang boat captain na si Frankie Chavez at anim pang kasamahan.