BUTUAN CITY – Sugatan ang pitong crews ng isang bangka matapos itong mAabo sa sunog habang nasa pantalan ng Brgy Consuelo sa bayan ng Cantilan, Surigao del Sur.

Dinala na sa Davao City ang lima sa mga sugatan habang sa Surigao City naman ang dalawang iba pa.

Nalaman sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection-Cantilan na may kargang 30,000 litrong gasolina ang LPC Express na dadalhin sana sa Siargao Island.

Bigla na lang umanong nakarinig ng pagsabog ang mga nakasaksi bago ito lamunin ng apoy.

Iniimbestigahan na ng BFP kung bakit may kargang ganon kataming gasolina ang bangka sa kabila ng kawalan nila ng permit mula sa kanilang tanggapan.

Nagmula umano sa engine room ang pagsabog kung saan tinatayang aabot sa mahigit P2 milyon ang danyos ng sunog.