CAGAYAN DE ORO CITY – Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG)-Northern Mindanao at support groups ang pitong tripulante na sakay ng lumubog na cargo ship sa karagatang sakop ng Brgy. Alicomohan, Sugbongcogon, Misamis Oriental.

Nangyari ang insidente matapos maabutan ng malakas na hangin at malaking alon habang naglayag ang JJBA SEABREEZE 8 galing Opol, Misamis Oriental patungong Surigao Province.

Karga ng nasabing barko ang iba’t ibang klase ng alak.

Ayon kay PCG-10 spokesperson Ens. Jerich Ybanez na nasa mabuting kalagayan ang nailigtas na mga tripulante ngunit nagtamo ng mga sugat sa katawan ang kapitan ng nasabing barko.

Malaki naman ang pasasalamat ng pitong crew matapos silang mailigtas.