Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa tangkang pagdukot ng pitong Chinese national sa kapwa nila Chinese sa Pasay City.

Bago ito, dinala sa Philippine National Police Anti-Kidnapping Group headquarters sa Camp Crame ang mga suspek at biktima.

Ayon sa PNP Aviation Security Group, nagpapatrolya sa Gate 6 Departure Area sa NAIA Terminal 3 si Patrolman Ronald Bercasi nang mapuna nito na pilit na pinasasakay ng mga suspek ang biktima sa isang kulay puting van.

Dahil dito, sinita ni Bercasi ang mga suspek at kinapkapan kung saan nakuha sa mga ito ang mahigit P260,000 cash, mga cellphones at posas.

Nakumpirma rin aniya nila sa biktima ang tangkang pagdukot dito sa tulong na rin ng isang interpreter.