CAGAYAN DE ORO CITY – Nakatakdang sampahan na ng kaso ang pitong katao na naaktuhang gumagamit ng pinaniniwalaang shabu sa loob ng isang bahay sa Cagayan de Oro sa Misamis Oriental.

Kinilala ang tatlong lalaki na naaresto na sina John Fritz Buhia, Eddery Quiaot, at Clark Claudin Lavestre.

Habang apat na babae rin ang dinakip na sina Jelly Gamolo, Marry Grace Daamo, Elvie Lascay, at Honey Fe Grace Lingua.

Ayon kay Macasandig Police Station commander Maj. Erickson Sabanal, nasa gitna ng Christmas party ang pito nang mangyari ang kanilang operasyon.

Dito ay natukoy nila na may iligal na droga ring pinagsasaluhan ang mga naaresto.

Naaktuhan pa umano ng pulisya ang pagbatak ng isa sa mga suspek.

Iniimbestigahan na raw ng mga otoridad ang posibilidad na magnanakaw ang naturang mga suspek dahil daw sa dami ng bag na nakuha sa kanilang posisyon na walang mga identification cards.