-- Advertisements --

Aabot na sa 63 katao ang nasawi sa pananalasa ng malakas na bagyo sa Punjab province sa Pakistan.

Ayon sa National Disaster Management Authority, na mayroong 290 na iba pa ang sugatan sa mahigit 24 oras na walang tigil na pag-ulan.

Nagdeklara na ng walang pasok sa opisina at paaralan ang lungsod ng Rawalpindi ang kalapit na lugar ng Islamabad.

Nagbunsod ng matinding pagbaha ang pag-apaw ng ilog dahil sa pag-ulan.

Maraming mga flights rin ang nakansela at ilang mga daananang isinara dahil sa pagbaha.

Patuloy ang ginagawang pag-rescue ng mga otoridad sa mga binahang lugar.

Mula pa noong Hunyo ay aabot na sa 180 katao ang nasawi dahil sa mga pag-ulan kung saan kalahati sa nasabing bilang ay mga bata.