-- Advertisements --

Aabot sa mahigit P10 billion ang inilaan ng 61 lungsod sa Pilipinas para sa pagbili ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay League of Cities President at Bacolod City Mayor Evelio Leonardia, DIsyembre noong nakaraang taon pa lamang ay bumuo na sila ng komite na gagabay sa mga local government units sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19.

Nang magsimula aniya sila sa inisyatibang ito, ang bakuna na gawa ng AstraZeneca pa lamang aniya ang siyang available, subalit hindi naman ito nangangahulugan na ito ang bakuna na eksklusibo nilang kukunin.

Sinabi ni Leonardia na nasa walong bakuna ang kinukonsidera nila sa ngayon.

Nabatid na nasa isang dosena nang lungsod ang nakapag-order ng bakuna mula sa AstraZeneca matapos na magsumite ito sa Pilipinas ng kanilang application para sa emergency use authorization para sa kanilang COVID-19 vaccine.

Mamaya, magkakaroon ng special general assembly ang LCP kasama sina vaccine czar Sec. Carlito Galvez at Food and Drug Administration director-general Usec. Eric Domingo para talakayin ang pagbili ng COVID-19 vaccines