Patay ang anim na katao matapos ang pagbagsak ng eroplano sa isang bahay sa Santiago, southern Chile.

Mula sa La Paloma airport sa Puerto Montt ng sumabit ang light aircraft sa mga linya ng koryente.

Nasunog pa ang bahay dahil sa pagtama ng nasabing eroplano.

Kinabibilangan ng dalawang babae at apat na lalaki ang mga nasawi sa insidente.

Ang nasabing eroplano ay pag-aari ng “Archipielago” company na nag-o-operate din ng mga commercial flights sa bansa.