-- Advertisements --

Patay ang anim na katao matapos bumangga sa concrete barrier ang kanilang sasakyan sa lungsod ng Calamba sa Laguna.

Sa imbestigasyon ng mga kapulisan na hindi nakita ng driver ng Mitsubishi Estrada pickup na si Jhomel Licas ang blind curve.

Naganap ang insidente dakong alas-3:40 ng umaga ng Barangay Paciano.

Iniwasan ng driver na mabangga sa paparating na motorsiklo kaya ibinangga nito ang sasakyan sa concrete barrier na nagdulot ng pagkataob ng sasakyan.

Kinilala ang mga nasawi na si Licas, 26-anyos, Ruel Dimailig, Medel Hernandez,32; Jonel Hernandez, 29; Angelo Hernandez, 24 at isang hindi nakilalang lalaking biktima.

Nasa pagamutan naman ang isang biktima si Marvin Hernandez.

Pawang magka-kamag-anak ang mga biktima na residente ng Tagkawayan, Quezon.

Patuloy naman na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga kapulisan.