Nagbukas ng mga satellite offices si Vice President Sara Duterte-Carpio sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas.
Ito ang isa sa kaniyang naging aktibidad sa pinaka-unang araw ng kaniyang panunungkulan bilang bagong ikalawang pangulo ng bansa.
Sa isang statement ay ibinahagi ni VP Duterte na nagbukas sila ng anim na satellite sa anim na rehiyon sa Pilipinas na layuning mapadali ang pagbibigay ng agarang serbisyo ng Office of the Vice President (OVP) sa taumbayan.
Ito ay ang mga rehiyon ng: Dagupan sa Region 1, Cebu sa Region VII, Tacloban sa Region VIII, Zamboanga sa Region IX, Davao sa Region XI, at Tandag, Surigao del Sur naman mula sa Region XIII.
Samantala, una rito ay nagsagawa na rin ng transition talks si Duterte at dating Education Secretary Leonor Briones.
Matatandaan din na kamakailan lang ay ipinahayag ng vice president ang posibilidad ng pagpapatupad ng full implementation ng face-to-face classes sa bansa kahit na nasa ilalim pa rin ito ng state of public health emergency dahil sa kasalukuyan nitong kinakaharap na banta ng dahil sa COVID-19.