-- Advertisements --

Patay ang nasa anim na katao matapos ang naganap na stampede sa isang military recruitment event sa Ghana.

Ayon sa Ghana armed forces, na nagmula ang insidente dahil sa hindi inaasahang paglobo ng bilang ng aplikante.

Nasugatan naman ang 22 ibang katao kung saan lima sa kanila ang kritikal.

Hindi akalain ng Ghana militar na aabot sa libong katao ang mag-aaply sa pagiging sundalo sa El-Wak stadium sa Accra.

Tumaas kasi ang bilang ng mga walang trabaho sa Ghana kaya maraming mga kabataan ang nagka-inerest na pumasok sa pagiging sundalo.

Dahil sa insidente ay pinalawig ng mga Ghana armed forces ang recruitment matapos ang nangyaring insidente.