-- Advertisements --
Pansamantalang ipinagbawal ang sports na boxing sa bansang Ghana.
Ito ay matapos na masawi ang isang boksingero sa isang laban sa Acora.
Si Ernest Akushey o kilala bilang si Bahubali ay nasawi 11 araw matapos na ma-ospital sa edad na 32.
Bagamat hindi pa alam ang dahilan ng tunay na kamatayan ay itinuturing na ang dahilan ay dahil sa internal injuries sa ulo.
Nakalaban nito si Jacob Dickson sa Bukom Boxing Arena sa Ghanaian noong Setyembre 12.
Ayon sa National Sports Authority ng Ghana na ang suspension ay para na rin sa proteksyon ng mga boksingero at maprotektahan ang integridad ng sports.
Ito na ang pangalawang insidente kung saan nasawi ang boksingero na ang una ay si Gabriel Oluwasegun Olanrewaju noong buwan ng Marso.