-- Advertisements --
Nahaharap sa kaso ang British actress na si Emaa Hussen dahil sa pagtatangka nitong magpuslit ng nasa 320kg na iligal na droga papasok sa Australia na galing sa West Africa.
Maaring mahatulang panghabambuhay na pagkakulong ang 34-anyos na aktres kapag napatunayan ang pagpuslit nito ng methamphetamine.
Base sa imbestigasyon na kasama ng aktres ang mag-asawa mula sa South Australia na nagtangkang magpuslit ng droga na itinago sa lagayan ng mga uling mula sa containers ng Ghana.
Nagkakahalaga ang nasabing iligal na droga ng aabot sa $208-M.
Una ng nakapag-refused bail ang aktres at haharap muli sa korte sa buwan ng Agosto.
Bumida ang aktres sa pelikulang “Hummingbird” kasama ang aktor na si Jason Statham noong 2013.
















