Cauayan City- Arestado ang anim na katao miyembro ng Pantawid Pamilya Pilipino progmra o 4P’s matapos maaktuhang naglalaro ng Tong its sa Barangay Annafunan, Tumauini, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Tumauini Police Station naaresto ang mga pinaghihinalaan sa pamamagitan ng anti-illegal gambling operation na isinagawa ng mga otoridad na agad na nag resulta sa pagkakadakip ng mga pinaghihinalaan.

Nakumpiska mula sa mga pinaghihinalaan ang dalawang baraha, dalawang daan at limamput pitong pisong bet money, dalawang lamisa at anim na plastik na upuan.

Pawang dinala sa Tumauini Police station ang mga pinaghihinalaan at mga nasamsam na ebidensiya para sa kaukulang dukumentasyon at disposisyon.