Reading Time: 1 minute

CAGAYAN DE ORO CITY – Lumubo pa sa 50 ang bilang ng mga kasapi ng local terrorists group na sumuko sa militar sa Lumba Bayabao Lanao del Sur.

Ito’y matapos boluntaryong sumuko sa 103rd Infantry Brigade, PA ang anim na mga miyembro ng Dawlah Islamiyah (DI).

Ayon kay 103rd Infantry Brigade commander Colonel Jose Maria Cuerpo II na kabilang sa nag-surrender ang isa sa mga kasapi ng Maute-ISIS terror group na si Pacalinog Bantogaranao, 32-anyos na kilalang supporter ni DI sub-leader Madie Maute.

Sumuko rin ang mga sinasabing supporter ng ISIS group na sina Monib Padati, Batalo Hajicaya, Tokiin Cuaro, Micky Hajicaya at Mobarak Hajicaya.

Bitbit ng mga ito sa kanilang pagbalik loob sa pamahalaan ang isang sa M-16 Armalite rifle, isang KG9 sub machine gun, magazines at mga bala.