-- Advertisements --

Nakapagtala ang PNP ng anim na namatay sa kasagsagan ng campaign period bago ang May 9 national at local elections.

Sa data ng pampansang pulisya, nasa 27 din ang kabuuang bilang ng karahasan ang naitala na may kaugnayan sa halalan.

Sinabi ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, 16 sa 27 na insidete ang validated na election-related incidents.

Pero ang bilang ay mas mababa naman sa naitalang 166 election-related incidents sa kasagsagan ng halalan noong 2010 at 133 noong 2016 national at local elections.

Ang mas mababang bilang ng mga election related incidents ay dahil na rin umano sa maganda at organisadong paghahanda ng PNP sa halalan noong Lunes.

Kabilang na rito ang Oplan Katok at Bilang Boga or campaign against loose firearms.

Samantala, sa gun ban naman ay nasa 3,191 ang naaresto ng PNP at nasa 2,271 naman ang nakumpiskang mga armas.

Mayroon namang 52 shooting incidents gun ban violation, harrassment, vote buying, at mauling.

Ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nakapagtala naman ng karagdagang apat na election-related violence mula sa dating 15.

Samantala, nagpaalala naman si Commission on Elections (Comelec) acting Spokesperson John Rex Laudiangco na hindi pa tapos ang pagpapatupad ng gun ban.