BACOLOD CITY – Nagpapagaling na ang mag-asawa at isa nilang anak kasunod ng pinaniniwalaang insidente ng food poisoning sa Hinobaan, Negros Occidental.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mayor Ernesto Estrao, sinabi nitong nanghuli ng kumong-kumong o sinasabing nakalalasong uri ng alimango ang amang si Bernard Floro ng Sitio Bagtic, Brarangay Bulwangan, Hinoba-an nitong Marso 16.
Ayon sa alkalde, napag-alaman nila na kinabukasan pa niluto ng pamilya ang alimango para kanilang breakfast.
Matapos ang ilang oras, sumama na raw ang pakiramdam ni Floro, asawa nitong si Juvelet Magno, at tatlong anak na 11-anyos, siyam at anim na taong gulang.
Ayon sa alkalde, agad na dinala sa ospital ang mga biktima ngunit hindi na naagapan ang anim at walong taong gulang na mga anak at tuluyang binawian na ng buhay.
Nagpapagaling naman sa ospital si Floro, Magno at ang 11-anyos na panganay ng mga ito.