CAUAYAN CITY-Sinimulan na ng mga sundalo ang pagsasagawa ng aerial operations sa mga lugar na nanatiling lubog sa baha sa lalawigan ng Cagayan.
Sa naging panayam ng Bombo radyo Cauayan kay Army Major Jekyll Dulawan, DPAO Chief ng 5th Infantry Division Philippine Army, sinabi niya na bagamat bumaba na ng antas ng tubig sa ilang mga bahagi ng Cagayan ay may ilang residente pa rin ang nanatiling na-trap sa kanilang mga bahay.
Dahil dito ay tuloy tuloy din ang kanilang aerial relief operations ng mga ipinadalang air assets ng pamahalaan na mula sa Philippine air force at Philippine coast guard.
Sinimulan na rin ang paghahatid ng tulong sa Linao, Tuguegarao City at unti unti naring napapasok ng mga otoridad ang mga isolated na lugar na labis na nalubog sa baha sa Cagayan.
















