-- Advertisements --

Muli na namang tumaas ang naitalang bagong mga nadagdag sa kada araw na kaso na dinapuan ng coronavirus sa Pilipinas.

Ito ay makaraang iulat ngayon ng Department of Health (DOH) ang panibagong 5,881 na mga nahawa sa virus.

Sa kabuuan mga nagkasakit sa bansa ng COVID-19 mula noong nakaraang taon ay umabot na sa 1,461,455.

Seamen OFW vax vacciantion COVID crowd

Ang mga aktibong kaso naman o mga pasyente na nagpapagaling pa sa bansa ay nadagdagan din sa 51,902 o katumbas ito 3.6% mula sa kabuuang kaso.

Sa kabila nito marami rin ang panibagong nakarekober ngayon sa virus na umaabot sa 3,003.

Ang kabuuang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa Pilipinas ay nasa 1,383,833 na.

Kinumpirma rin naman ng DOH na merong panibagong mga nasawi sa mga kababayan na umaabot sa 70 bunsod pa rin ng deadly virus.

Sa ngayon ang death toll sa bansa ay 25,720 na.

Samantala may limang laboratoryo naman ang nabigong makapagsumite ng kanilang mga datos sa DOH.

“10 duplicates were removed from the total case count. Of these, 7 are recoveries. In addition, 1 case was found to have tested negative and has been removed from the total case count,” bahagi ng DOH advisory. “Moreover, 28 cases previously tagged as recoveries have been validated to be active cases and 34 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation. All labs were operational on July 7, 2021 while 5 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 5 non-reporting labs contribute, on average, 2.2% of samples tested and 2.0% of positive individuals.”