Mayroon na lang 22 mga barangay nitong lungsod ng Cebu ang may natitirang aktibong kaso ng coronavirus disease(COVID-19) matapos walang naitalang COVID transmission ang 58 nito sa huling 14 na araw base sa record ng Emergency Operations Center noong Sabado, December 12.
Nauna ng sinabi ni Konsehal Joel Garganera, deputy chief implementer ng EOC na mas nakabubuting hindi ibunyag ang mga nasabing mga barangay upang hindi maging kampante ang mga residente nito.
Base pa sa tracing ng EOC mula November 28 hanggang December 11, 40.98 percent ng outside transmission ay nagmula sa workplaces, 13.11 percent sa mga pasilidad, 6.55 percent naman ang nakuha mula sa exposure ng COVID-19 positive na mga individuals at 6.55 percent mula sa pungko-pungko at mga karenderya.
Samantala, base sa pinakahuling data na inilabas ng Department of Health , nadagdagan ng dalawang panibagong kaso kaya nasa 166 ang aktibong kaso ng virus sa lungsod.