-- Advertisements --

covid26

Nadagdagan pa ang bilang ng COVID-19 fatalities sa hanay ng pambansang pulisya, matapos pumanaw ang isang 58-years old na non-uniformed personnel na nakadestino sa Police Regional Office -8 (PRO-8).

Sa ngayon sumampa na sa 116 ang bilang ng mga pulis na nasawi dahil sa COVID-19 infections.

Ayon kay PNP chief, Gen. Guillermo Eleazar, batay sa report ng Health Service (HS) ang nasabing civilian employee ay nakaranas ng hirap sa paghinga dahilan para agad itong isugod ng mga kaanak sa Northern Samar Provincial Hospital nuong September 19, subalit inilipat din sa isang hospital sa Tacloban City.

September 20, nakahanda ng ilipat si Patient 116 sa ibang hospital, pero dahil sa lumalalang kondisyon nito hindi na natuloy ang paglipat, agad itong isinailalim sa RT-PCR test at nagpositibo ito sa COVID-19.

September 21, inatake sa puso ang pasyente at idiniklarang patay ng kaniyang attending physician.

Batay sa medical records ni Patient 116, mayroon itong comorbidities gaya ng Gastrointestinal Rheumatic Disease, anxiety, spondylosis of the spines at pneumonia at hindi pa nabakunahan laban sa virus.

“The PNP mourns to another death caused by the Covid-19 and assures the family of the personnel every assistance and benefits they needed,” pahayag ni Gen. Eleazar.

As of September 26,2021, nakapagtala ang Health Service ng 166 bagong recoveries habang nasa 118 naman ang naitalang bagong cases.

Sa ngayon nasa 2,231 ang kabuuang COVID-19 active cases sa PNP.