-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Naitala ngayong Disyembre 9 sa Isabela ang 57 ang panibagong nagpositibo sa COVID-19 habang lima naman ang nakarekober.

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, 10 sa bagong kaso ang mula sa Ilagan City, tig-walo sa Cauayan City at bayan ng Cabatuan, lima sa lunsod ng Santiago, tig-apat sa mga bayan ng Burgos, Echague at Roxas, tatlo sa Cabagan, tig-dadalawa sa Quirino at Aurora habang tig-iisa sa mga bayan ng Angadanan, Luna, Naguillian, Ramon, Sta. Maria, San Manuel at Reina Mercedes.

Sa ngayon ay 366 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela na kinabibilangan ng limang Returning Overseas Filipinos, siyam na non-authorized persons outside residence,41 health worker, apat na pulis habang 307 ang local transmission.

Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi mahalaga ang pupuntahan.