-- Advertisements --
Nasa 50 mga Chinese ang arestado sa isang iligal na Philippine offshore gaming operation (POGO) sa lungsod ng Makati.
Nagbunsod ang operasyon ng PNP matapos na isumbong sa kanila ng ilang concern citizen na mayroong POGO operations sa isang gusali sa Brgy. Pio del Pilar nitong Lunes ng gabi.
Naaktuhan nila dito ang mga Chinese at nakumpiska ang ilang computer, cellphones na ginagamit sa kanilang operations.
Inihahanda na ng mga kapulisan ang kaso laban sa mga naarestong dayuhan.