Reading Time: 1 minute
Tallahassee
Tallahassee, Florida

Sugatan ang limang katao matapos na sila ay pagsasaksakin sa Tallahassee, Florida.

Naganap ito sa Dyke Industries isang kumpanyang gumagawa ng mga pinto.

Ayon kay Tallahassee police spokesman Damon Miller, hawak na nila ang isang suspek pero hindi binanggit kung empleyado rin ng kumpanya ito.

Sa limang biktima, isa ang kritikal habang ang apat ay nasa mabuting kalagayan na.