-- Advertisements --
Nakakulong na ngayon sa Toledo City Police station ang tatlong kalalakihan matapos makumpiska ang 5 kilo ng marijuana sa isinagawang buybust operasyon kagabi sa Brgy. Anislag, Toledo City Cebu.
Kinilala ang mga naaresto na sina Jobert Cabelis, Jerry Orillian, at Ralph Lauren Benesisto.
Nakumpiska sa nasabing operasyon ang 5 bundle ng marijuana na nakabalot sa plastic at tinatayang nagkakahalaga ng aabot sa P600, 000, isang cellphone, at isang motorsiklo.
Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.