-- Advertisements --

Sugatan ang limang katao matapos na sila ay pagsasaksakin sa Dublin City, Ireland.

Kabilang sa mga biktima ay tatlong bata na dinala na ang mga ito sa pagamtuan.

Sinabi ni Prime Minister Leo Varadkar na naaresto ng mga otoridad ang suspek sa nasabing pananaksak.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa pananaksak.

Nagdulot naman ng kilos protesta ang nasabing insidente kung saan inakusahan ng mga otoridad ang far-left group na siyang nasa likod ng pananaksak.