-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous drugs Act of 2002) ang limang katao na kinabibilangan ng dalawa na estudyante matapos na masamsaman ng dahon ng marijuana sa Bonfal Proper, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang mga nahuli ay sina Christian Joy Del Rosario, 20 anyos, residente ng San Nicolas, Bayombong; Joel Cacal, 22 anyos, fastfood crew, residente ng Brgy. Bonfal West, Bayombong, Nueva Vizcaya; Serge Sicat, 22 anyos, ALS student, residente ng Barangay Busilac, Bayombong, Nueva Vizcaya; Nckaill Martinez, 23 anyos, residente ng Barangay Don Tomas Maddela, Bayombong,Nueva Vizcaya at isang 18 anyos na babae, 1st year Tourism student at residente ng Quezon, Solano, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nadakip ang mga suspek sa buy-bust operation na isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng PDEA region 2 Nueva Vizcaya Police Provincial Office at Bayombong Police Station.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nadakip ang mga suspek ng pinagsanib na puwersa ng PDEA , Nueva Vizcaya Provincial Office at Bayombong Police Station.

Naaktuhan ang mga nahuli na nagbebenta ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isang PDEA agent.

Dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana nabili ng PDEA agent sa mga suspek.

Nasamsam pa sa kanilang pag-iingat ang 7 heat sealed transparent sachet na naglalaman ng hinihinalang dahon ng marijuana at mga drug paraphernalia

Si Christian Joy Del Rosario ay kabilang sa PNP/PDEA number 10 target List habang si Serge Adamin Sicat ay naaresto na noong Hulyo, 2019 dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 at nakalaya lamang noong Disyembre 2019 sa pamamagitan ng plea bargaining.