Nasa ligtas na kalagayan na ngayon ang limang mga crew Phil Air Force (PAF) aircraft na NC212i matapos sumabog ang gulong nito habang nag-landing sa Laoag airport kaninang alas-10:32 ng umaga.
Ayon kay PAF spokesperson Col. Maynard Mariano, agad nagsagawa ng emergency procedure ang mga piloto at pinatay ang engine sa runway.
Sinabi ni Mariano, lahat ng crew ay ligtas at walang naiulat na casualties sa nasabing insidente.
Sa ngayon iniimbestigahan na ng pamunuan ng Philippine Air Force ang naturang insidente.
Siniguro naman ng opisyal na patuloy nilang sundin ang safety protocols para matiyak ang ang safe operations sa kanilang mga aircraft at maging sa mga kagamitan nito.
Inihayag din ni Mariano na tanging ang gulong lang ng aircraft ang na-damage sa naturang insidente.
“The mission was to deliver supplies and other attendant requirement to the Advance Command Post of TOG1 t Laoag Airport,” mensahe pa ni Col. Mariano.