Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang lalawigan ng Quezon province nitong Martes ng tanghali, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Batay sa Phivolcs, ang lindol ay naganap sa 24 kilometro hilagang-kanluran ng General Nakar, sa lalim na 6 na kilometro.
Dahil sa pagyanig, ilang gusali naman sa Metro Manila ang inilikas, kabilang ang Senado, National Bureau of Investigation (NBI), at Department of Migrant Workers.
Umaasa naman ang Phivolcs sa maaaring aftershocks dulot ng lindol. Bagamat nasa Intensity 2 lamang ang naitalang lakas sa Taguig, ngunit posibleng magbago pa aniya ito.
Mababatid na ang Pilipinas ay bahagi ng Pacific Ring of Fire, kaya’t madalas makaranas ng mga lindol ang bansa.
Karamihan dito ay mahina, ngunit ang malalakas at mapaminsala ay nangyayari nang walang babala at hindi pa rin kayang i-predict ng isang teknolohiya kung kailan ito mangyayari.