-- Advertisements --
Walang pasaherong nakaligtas sa pagbagsak ng pampasaherong eroplano sa Russia.
Ang Angara Airlines na ay may lulan na 42 pashaero at anim na crew ng ito ay bumagsak sa kagubatan ng Amur region.
Galing sa Blagoveshchensk malapit sa border ng China ang Antonov An-24 na eroplano ng mawala sa radar screen habang papalapit na sa Tynda airport.
Natagpuan ng Russian civil aviation helicopter ang nasusunog na fuselage mula sa eroplano sa bulubunduking bahagi mula sa Tynda.
Sinabi ni Amurs regional governor Vasily Orlov na kabilang ang limang bata na nasawi.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon habang nagdeklara sila ng tatlong araw na pagluluksa.