-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Patay ang isang 48 anyos na lalaki matapos malunod sa dagat sa bayan ng Agno, Pangasinan.

Ayon kay police captain Jane Michael Algo,Officer in charge ng Agno police Station, kinilala ang biktima na si Raymundo dela Torre, 48 anyos, conductor at residente ng Angono, Rizal.

Saad nito na nagtungo ang biktima at mga kasama nito sa dagat ng Agno para ipagdiwang ang karawan ng kanilang amo.

Nakainom na ang biktima nang lumusong siya sa tubig kasama ang ibang mga kasamahan ngunit aksidente siyang napunta sa malalim na bahagi ng dagat.

Naireport sa mga otoridad ang pangyayari at agad din umanong rumisponde ang mga kapulisan at narekober ang kanyang katawan ngunit ideneklarang dead on arrival ng attending physisician sa Rural Health Unit.

Samantala, nanawagan si Algo sa mga bisita na nagtutungo sa dagat na mag ingat sa palliligo lalo na sa bandang hapon. Tiniyak naman nito na may mga personnel silang umiikot sa palibot ng dagat.