-- Advertisements --

Iniimbestigahan ng mga otoridad ang 18-wheeler truck kung saan natagpuan-patay ang 46 na mga migrante sa San Antonio, Texas.

Marami pa ang dinala sa mga ospital sa lugar.

Hindi bababa sa limang biktima ang nasa kritikal na kondisyon na dinala sa Baptist medical Center sa downtown.

Dalawa naman ang dinala sa Texas Vista Medical Center at karagdagang dalawa sa University Hospital.

Patuloy ang imbestigasyon sa dahilan ng pagkamatay ng mga biktima ngunit may lumalabas na balita na maaaring na-suffocate ang mga ito sa loob ng trak dahil sa init ng panahon.

Makikita sa paligid ng trak ang mga police patrol, fire truck at ambulance – pati na rin ang maraming dilaw na tarps.

Ang mga dilaw na tarp ay ginagamit upang takpan ang mga bangkay.

Sinisi ni Texas Governor Greg Abbott si US President Joe Biden sa nangyaring pagkamatay ng mga undocumented migrants dahil ito ang naging resulta sa kaniyang ginawang pagbukas sa mga border policies.

Ipinapakita ng mga ito ang nakamamatay na kahihinatnan ng kanyang pagtanggi na ipatupad ang batas.