BAGUIO CITY- Aabot sa kabuyang 43 na wanted persons at iba pa na law violators ang nahuli sa mga isinagawang operasyon ng Baguio City Police Office (BCPO) noong nakaraang linggo na kung saan nakumpisa mula sa mga ito ang ilang mga pekete ng shabu at mga bloke ng marijuana.
Ayon kay Baguio City Director Pol. Col. Allen Rae Co, nahuli ang kabuuang 24 na drug suspects sa serye ng buy-bust operation, pagsisilbi ng search warrant at iba pang police operations.
Nakumpiska din ang 52 na pakete ng hinihinalang shabu at 38 na bloke ng dried marijuana leaves na nagkakahalaga ng aabot sa P4,070,386.
Pinakahuli dito ang pagkahuli ng pitong turista na pawang mga kabataan na kinabibilangan ng apat na menor de edad sa Slaughter Bus Terminal, Brgy. Santo Nino, Baguio City kung saan nakumpiska mula sa mga ito ang 29 a bricks dried marijuana leaves na may bigat na halos 24 na kilo at 50 gramo na nagkakahalaga ng halos P2 million.
Samantala, nahuli rin ang pitong drug suspek noong Hulyo 25 sa Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operations sa lunsod ng Baguio kung saan nakuha mula sa kanila ang 45 pakete ng hinihinalang shabu.
Limang drug violators ang nahuli ng mga otoridad noong Hulyo 23 at nakumpiska mula sa mga ito ang 10 pakete ng hinihinalang shabu, P1,000 na buy-bust money, P14,000 na boodle money at iba pang drug paraphernalia.
Iba pang nahuli ang 19 na indibiduwal dahil sa pagdadala ng mga ito ng hindi lisensyadong mga baril.
Dahil sa mga ito, ipinagmalaki ni PROCOR Regional Director PBGen Israel Ephraim Dickson ang mga personnel ng BCPO dahil sa tagumpay ng mga ito sa ipatupad na simultaneous anti-criminality operations (SACLEO).