-- Advertisements --

Patay ang nasa 43 na inmates matapos ang naganap na riot sa Ecuador.

Nagsimula ang laban sa pagitan ng dalawang magkalabang grupo na Los Lobos at R7 sa Santo Domingo prison, sa bayan ng Quito.

Sinamantala rin ng ilang preso ang pangyayari kung saan nasa 108 mga preso ang nakatakas.

Itinakbo naman sa pagamutan ang ilang preso matapos na masugatan dahil sa pagkakasangkot sa nasabing riot.