-- Advertisements --
Luna isabela

CAUAYAN CITY – Isinailalim sa quarantine ang 43 na kawani ng DepEd Isabela matapos na magpositibo sa COVID-19 ang isang principal sa Luna, Isabela.

Sa naging naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Marilyn Ayala, OIC health officer ng SDO Isabela, sinabi niya na ang nagpositibong principal ay mayroong travel history sa isang mall sa Cauayan City at hinihinalang doon nito nakuha ang virus.

Ayon pa kay Dr. Ayala, matapos magtungo ng principal sa Cauayan City ay nagsimulang nakaramdam ng panghihina ng katawan kaya’t iminungkahi sa kanya na magpasuri sa doktor.

Batay sa lumabas na resulta ng kanyang swab test ay nagpositibo ito COVID-19.

Ipinahayag pa ni Dr. Ayala na matapos mapag-alaman ng pamunuan ng SDO Isabela ang resulta ay agad silang nagsagawa ng contact tracing kaya naman isinailalim sa quarantine ang 43 na empleyado ng DepEd Isabela.

Ito ay kinabibilangan ng 22 guro, 10 school heads, tatlong administrative assistants, isang supervisor, apat na volunteer teachers, dalawang local school board, isang dental aide at ang guwardiya ng paaralan ang may pakikisalamuha umano sa naturang pasyente.