-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Pumalo na sa 42 ang kabuuang bilang ng mga tuluyang gumaling mula sa Coronavirus Disease (Covid-19) sa probinsya ng Cotabato.

Nakapagtala ng panibagong recovery sa mga pasyente na nagpositibo sa Covid 19.

Itoy batay sa pinakahuling tala ng Integrated Provincial Health Offive ( IPHO) Cotabato at DOH-CHD SOCCSKSARGEN Region.

Samantala, nasa 1, 540 naman ang patuloy na naka quarantine/isolated habang 18,775 na ang mga PUMs na totally cleared.

Bumaba naman sa 19 ang bilang ng mga tinaguriang suspect.

Sa ngayon ay nanatiling nasa 58 ang bilang sa mga nagpositibo sa Covid 19 sa probinsya ng Cotabato ngunit 16 na lamang ang active cases.