-- Advertisements --

Nagwagi bilang bagong pangulo ng Poland si Karol Nawrocki.

Tinalo nito si Rafał Trzaskowski ang alkalde ng Warsaw na siyang paboritong manalo sa halalan.

Nakakuha ng 50.89 percent ang right-wing populist Law and Justice (PiS) Party kung saan ang resulta ay nagpalawig sa PiS party ng panunungkulan nito sa presidential palace ng 10 taon.

Si Nawrocki rin ay malapit kay US President Donald Trump kung saan bumisita ito sa White House ilang linggo bago ang halalan.

Ang 42-anyos na historian at populist firebrand ay tiyak na magiging malakas sa pag-veto sa mga batas na nais na ipasa ni Prime Minister Donald Tusk.