-- Advertisements --
image 114

Nadiskubre ng Commission on Elections (Comelec) na nasa 400,000 ang nadobleng nagparehistro para sa nalalapit na halala para sa barangay at Sangguniang kabataan sa Oktubre ngayong taon.

Ayon kay Comelec chairman George Garcia, maaaring tumaas pa ang nasabing bilang sa kalahating milyon sa oras na matapos na ang pagsala sa tinatawag na flying voters.

Sa ngayon, ayon kay Garcia ang mga nakapagparehistro mula Disyembre 12 hanggang Enero 14 ngayong taon na naberipikang doble at multiple registrants ay nasa 400,000 na.

Inaasahang matatapos ang assessment ng poll body bago matapos ang buwan ng Mayo.

Nagbabala naman ang Comelec chairman sa mga nasa likod ng fraudulent voter registrations na kanilang ibubulgar ang mga ito at tutukuyin ang mga impormasyon kung kailan at saan ang mga lugar na nagkaroon ng double o multiple registrations.

Ginawa ni Garcia ang naturang pahayag matapos ang panawagan ni Senator Imee Marcos para sa imbestigasyon sa malawakang pekeng registration ng mga botante.

Una ng sinabi ng Senadora na ang umano’y fraudulent registrations ay sinusuportahan ng big-time businessmen, contractors at suppliers biang anticiption sa pagtaas sa internal revenue allotment ng mga barangay kasunod ng ruling ng Korte Suprema sa Mandanas vs. Executive Secretary et al.