-- Advertisements --

Natapos na ang kampanya ng pambato ng bansa sa Miss Earth 2025 na si Joy Barcoma.

Ito ay matapos na hindi nasama sa Top 4 Finalist ng pageant.

Unang nakaabot sa Top 8 ng kompetisyon si Barcoma kung saan ang Top 4 ay ang mga pambato ng Vietnam, Thailand, Czech Republic at Iceland.

Bago ang Question and Answer portion ay umapela muna ito ng dasal sa mga nasalanta ng bagyong Tino sa pageant na ginaganap sa lungsod ng Paranaque.

Ang Cavite native na beauty queen ay nag-uwi ng medalya sa Best in Terno for Asia and Oceana ng Miss Earth 2025.

Magugunitang noong Agosto ng kinoronahan bilang Miss Philippines Earth si Barcoma.