Nasa mahigit 400 na kapulisan ang nagpositibo sa paggamit ng ililgal na droga.

Ayon sa Internal Affairs Service (IAS) na mula Hulyo 2016 hanggang Setyembre 30, 2019 ay umabot na sa 396 na kapulisan ang nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga.

Sa nasabing bilang ay mayroong 378 na kaso ang naresolba na nagresulta sa pagka-tanggal sa kanilang mga serbisyo.

Ang ibang kaso ay nai-forward na nila sa Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM).